bummed.
Di ko maintindihan. Di ko malaman. Utak ko’y naguguluhan. Dito sa mundong puno ng hinagpis. Sa mundong puno ng ipis. Sa mundong puno ng sinungaling. Mundong puno ng magagaling.
Ano ba talagang meron? Para sakin, WALA. Di mo naman kailangan malaman eh. Para sakin lang to, pero ishashare ko na sa inyo. Ang mga sasabihin ko lang naman ay ang aking mga nakita, mga napapansin o nabibigyan ng puna. Di naman kayo apektado dito.
Inutil. salitang napakasakit pakinggan, pero masarap sabihin. Paminsan-minsan naririnig ko ang salitang ito. Kahit konti nalang ang gumagamit nitong salita, di parin natin maalis sa isip natin ang salitang ito. Nakamarka, nakaukit, at naka-tatoo.
Hawaan ng emosyon. di ko alam kung bakit ganito, pero nakakairita lang. no-offense pero, di ko talaga maisip kung bakit ganun. di ko maisip kung pano ang isang tao makakapekto sa emosyon ng iba. ano to? sakit? di naman ata to nakakahawa. pero pag may nagsimula, may gagaya.
SA susunod, wala na :)
(via sleepyfreak)
(via sleepyfreak)